KAYO AT ANG BAYAN PAGLILINGKURAN



FREE COUNTRY,
FREE EXPRESSION



If anyone here says he does not believe in the Bill Of Rights, or the Right to Public Opinion and the Right to Information may just leave this newspaper lying on the streets and let it go to waste.
Malimit pa din sa ngayon na pilit binubusalan o tinatakot ang mga media practitioners upang hindi maisiwalat ang katotohanan. Nakakalungkot isipin na may mga tao sa gubyerno at pati na rin sa pribado na gumagamit ng pera at ibang uri ng pananakot upang huwag lang mabunyag ang mga anumalya o kapalpakan.
At iilan din sa mga kabaro namin, lalo na dito sa Pinas na nagpapadala sa takot o suhol upang pagtakpan o ilihis ang mga katotohanang nagaganap sa ating lipunan. Nakakalungkot, tila pinapatay na ang demokrasya at ang tunay na kalayaan ng mamamayan.
Karapatan lang ng publiko na malaman ang mga nangyayari sa loob at labas ng mga tanggapan ng gubyerno, ang mga transaksyones na tila kadalasa’y hindi na din nalalaman ng taong-bayan. At kapag naman napalabas sa media, panay na ang tanggi, panay na ang busal, panay na din ang pananakot sa mga mediamen. Pati na din itong mga media practitioners, tuloy, natututong maging corrupt.
Ika nga ng isang malapit na kaibigan na halos tatay ko na din, ang isang pahayagan o kahit anong medium ay hindi dapat maging self serving, dapat ay may social responsibility din. In other words, oo nga at kailangan kumita ng isang medium ngunit hindi din dapat nawawala ang pagsiwalat nito ng katotohanan, no matter how painful such information is sa isang pinatutukuyan, dapat lang itong maipahayag at malaman ng taong-bayan.
This is a free country, at ang PRESS FREEDOM ay dapat iginagalang. ang RIGTH TO INFORMATION ay hindi dapat ipagkait at hindi din dapat mapanglinlang. Ngayon, kung ayaw naman ipatupad at igalang ang mga nasabing karapatan at kalayaan, mas mabuti pang maging isang komunistang bansa tayo.
Ang pamahalaan pati na din ang mga lokal, tila yata ito ang nais nila. Galit sila sa mga komunistang rebelde, ngunit hindi nila nalalaman na sila na din mismo ang umaaktong parang mga komunista. Nais nilang makontrol ang mga mamamahayag, mapatalima nila sa anong nais nila at kung ano ang nais lang nilang ipaalam sa taong-bayan.
Nakakalungkot, ngunit tama din naman ang sabi ng marami at malimit ito ang terminong gamit sa Estados Unidos... "YOU CAN’T FIGHT CITY HALL." ganun nga ba talaga? O may pag-asa pa ba ang PRESS FREEDOM sa ating sistema ng gubyenro ngayon?

ISYUNG SEKTORAL


IMPLEMENTASYON AT TUNGKULIN NG
KONSEHO NG MANGINGISDA

Ang konseho ng mangingisda ay ipinapatupad sa buong baybay dagat o baybay Lawa mula barangay, munisipalidad at panglalawigan. Ang barangay ay tinatawag na Barangay FARMC, municipal ay MFARMC at ang panglalawigan ay Integrated FARMC at ang panghuli ay Nationala FARMC.
Komposisyon ng BFARMC:
*Chairperson nag Sangguniang Barangay Agriculture / Fisheries Committee
*Kinatawan mula sa isang accredited na Non Government Organization
*Kinatawan mula sa pribadong sektor
*walong kinatawan na mga mangingisda kabilang ang mga
kinatawan ng kabataan at kababaihan.
Kapangyarihan at Tungkulin nag BFARMC:
*Magbuo at magsumite nag Brgy. Fisheries an Aquatic Resource Development Plan
(BFARD) sa Brgy. Development Councilat ipatupad ito. Subaybayan at
gumawa nag pagtatasa nag pagpapatupad nag BFARD.
*Magbuo at magsumite nag mga polisiya / patakaran at kaparaanan sa
pamamahala nag mga pangisdaan at yamang lawa sa Sangguniang Barangay
Komposisyon nag MFARMC:
Minicipal / city planning Dev’t. Officer
Tagapangulo nag komite nag pang agrikultura at pampangisdaan ng
Sangguniang Bayan/ Pan;lunsod
Kinatawan nag mga NGO na may akreditasyon
Kinatawan mula sa pribadong sector
Hindi bababa sa labing isang (11) kinatawan nag mga mangingisda kasama
ang mga chairman nag BFARMC nag bawat Barangay, kinatawan
ng kabataan at kababaihan
Kapangyarihan at tungkulin
Pag-isahin tungo sa Munisipal / City Fisheries & Aquatic Resources
Development Plan ( M / CFARDP) ang iiral na BFARDP at magsumite
ng mga plano sa M / CPDO.
Subaybayan ang implementasyon nag M/ FARDP .
Asistihan ang Law enforment agencies at suportahan ang BFARMC
Law enforment task force / committee sa pagpapatupad ng
batas at ordinansang pangpangisadaan at pangkalikasan
Asistihan at suportahan ang BFARMC sa paghain nag mga reklamo sa
munisipyo / korte sa mga lumabag sa batas pampangisdaan at kalikasan.
Magrekomenda at magsumite nag mga resolusyon sa Sangguniang Bayan /
Panlunsod na may kaugnayan sa tamang pamamahala , pangangasiwa na
siyang kukupkupin at ipatupad sa Munisipalidasd / Panlunsod na ordinansa.
Magsumite nag mga aplikasyon nag mga gamit pangingisda, permiso
sa pagpapalaisdaan / lisensiya na Hindi nagl;ilimita sa LLDA, BFAR para sa
kaukulang aksiyon.
Mamagitan sa Hindi pag-uunawa sa Barangay sa usaping karapatang
pampangisdaan.
Maglunsad nag income generating project bilang isa sa pinakamahalagang
bagay at asistihan ang BFARMC sa paghahanap ng pondo para sa mga
pangangailangan.
Pasiglahin at palakasin ang mga gawaing pang-ekonomiya / kabuhayan
ng mga mangingisda kasama ang pagbebenta nag produkto
(isda) at serbisyong pangkabuhayan.
Panatilihin at ingatan ang rehistro nag mga mangingisda at kanilang samahan.
Asistihan at suportahan ang BFARMC sa kanilang mga pag-aaral
at pananaliksik nag pamamahala at pangangasiwa sa pangisdaan sa
munisipalidad / lunsod.
Asistihan at suportahan ang BFARMC sa pagtutukoy nag mga lugar sa
malayang pangingisdqa at paglalagay nag mga palatandaang para sa
Navigational Lane.
Subaybayan at mangalap nag mga impormasyon sa mga maitatayong
pantalan na siyang maging batayan sa pagsasagawa nag mga
patakaran at planong pangpangasiwaan.
Asistihan at suportahan ang BFARMC sa pamamahala sa mga mangingisda
sa mga itinalagang malayang pangingisdaan ( fishing ground) na tinukoy
ng mga nagsagawa nag pag-aaral nag mga may malasakit na grupo at ahensiya.

PITAK PANG NAKATATANDA


LINGAP AT PAGMAMAHAL

Nuong tayo’y mga bata pa at lumalaki ay di natin masukat ang paglingap at pagmamahal ng ating mga magulang. Di nila gusto na tayo ay salat at labis na nangangailangan. Gusto nila maidulot sa atin ang lahat para sa ating kinabukasan. Ginawa nila ang gabi na parang araw sa paghahanap-buhay. Di nila alintana ang maidudulot nito sa kanilang kalusugan. Ganuon sila magmahal sa atin at ngayon sila’y matanda at mapuputi na ang buhok ay nakakalimutan na sila.
Kayo namang mga kabataan ay naging malakas, marunong at punong-puno ng pangarap para sa inyong bukas, ang pag-asa ng bayan. Naimpluwensiyahan kayo ng makabagong kabihisnan hanggang kayo’y makalimot sa lingap at pagmamahal ng inyong mga magulang . Isa sa sampung utos ng Diyos ay “Igalang mo ang iyong ama at iyong ina upang ang iyong mga araw ay tumagal sa ibabaw ng lupa na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Diyos.(Exodo 20:l2) Ito ang utos ng Diyos na may pangako.
Sa panahon ng tagumpay nalimutan ninyo ang inyong mga magulang. Kaya isang paalaala sa lahat na ibalik ninyo ang lingap at pagmamahal sa inyong mga ama at ina na nabibilang sa antas na kung tawagin ay “Senior o Seasoned Citizens” sa ating bayan or siyudad.
Mahalin at lingapin ninyo sila para makita ninyo na sila ay maligaya sa mga huling sandali ng kanilang buhay. Maging bahagi kayo sa kanilang pagkakaisa, sa kanilang mga sariling panukala at mga adyenda. Agapayan natin sila at tulungan para sila masiyahan sa paglingap at pagmamahal na dulot ninyo. Bakit po ang ilang bayan or siyudad meron nakalaan na maliit na halaga sa mga senior citizens, at ibinigigay ito buwan-buwan bilang gantimpala para sa kanilang nagugol na panahon sa ating pamayanan. Isang hamon sa lahat ang aking iniiwan lalo na sa may kapangyariahn-ang lingapin at mahalin sila. Mahirap po ba ito? Iintayin namin ang inyong tugon.

SOLA SCRIPTURA (Supremacy of the Word of God)


“THE BEAUTY OF PAIN”

The question of God allowing pain and suffering has been something that has plagued man’s heart since the beginning of time. Men always puzzled with the question : "If God is a good God, why does He allow bad or cruel things to happen?
Ang isang bara ng bakal ay maaring magkahalaga ng dalawang daang piso (depende sa bigat at uri) ngunit kapag ito ay inilagay sa pugon, pinukpok at hinulma at ito’y naging itak o espada maaring magkahalaga ito ng limangdaan piso, ngunit kapag ang bakal ay ginamit na spring ng mga mamamahaling relo, ito’y magkakahalaga ng libo-libong piso. At kung ang bakal na ito, matapaos ang ibat-ibang uri ng proseso ng pagpukpok, hulma at pagbarena ito ay nagiging isang sasakyan na mataas ang nalilikhang halaga. Katulad ng bakal na ito, tayo ay dumadaan sa napakaraming pagsubok upang ang layunin ng Diyos ay ating masumpungan. God always has a purpose for allowing the difficulties of life:
"It is through pain that God can get the most out of us.”

1). SPIRITUAL CLEANSING – If there is something in your life that needs His forgiveness, go to Him immediately, ask Him to restore the sweetness of the fellowship you once shared.

2). COMPANIONSHIP – God is not the author of evil, but He uses it to bring us into a closer relationship with Himself. Any sin in our lives needs to be removed, because it blocks the flow of God’s love.

3). CONFORMITY – C.S. Lewis once said: “Pain does not change God, it changes us." Adversity purifies our motives and strip away the dross in our lives so we reflect His love to others with an even greater brilliance.

4). COMFORT – When God becomes your only Source of Comfort in times of trials, you will experience an inner peace like nothing you have felt before.Oo, maging ang haring si David, noong siya ay nasa rurok at kaigtingan ng dusa at pagsubok ay naisulat nya ang napakagandang talata na nakatitik sa aklat ng mga Awit 23:4Kahit na ang daang iyo’y tumatahak sa karimlan, hindi ako matatakot pagkat ikaw’y kaagapay, ang tungkod mo at pamalo ang gabay ko at sanggalang.” Mga mahal na mambabasa, nais ng Diyos na itiwala natin sa kanya ang anumang ating dinaraanang pasakit nang sa gayon ay masusumpungan natin ang kanyang layunin sa ating buhay.

KUNG KAYA KO, KAYA NYO


MASIPAG PERO HINDI UMUUNLAD!

Maraming mga negosyanteng na napakasipg ngunit hindi umuundlad. Ang kalimitang tanung nila, masipag naman ako, subalit bakit hindi ako umuunlad?
Ang kasipagan ay isang element sa pag-unlad, ngunit hindi ito lang ang tanging elemento. Narinig mo na ba ang nakakatawang linya na “daig ang masipag ng suwerteng tamad.” Mayroong katotohanan dito ngunit hindi ang suwerte ang nagpapagaang ng trabaho ng mga tamad ngunit ang tamang negosyo na para sa kanya.
Kung matagal ka na sa iyong negosyo ngunit hanggang ngayon ay hindi ka pa umuunlad, siguro dapat mong i-re-evaluate kung nasa tamang linya ka ba ang negosyo. Ito ba ang negosyong ukol para sa iyo? Ano ba ang mga dapat i-consider at pagnilay-nilayan kung ikaw ba ang nasa tamang negosyo? Una, ang negosyo mo ba ay kumakain ng napakaraming oras mo? Kailangan bang nakatutok ka sa negosyo mo? Dapat ang negosyo mo ay puwede mong iwanan, dapat may maayos ka na sistema na nakalapat upang ikaw ay maaring umalis-alis. Ang negosyante ay dapat nagmo-monitor lang ng negosyo at hindi dapat ikaw mismo ang tatao dito. Kung ikaw ay nakatali sa negosyo mo, mawawalaan ka ng oras upang makapag-expand at dagdag ng iba pang mga negosyo. Mabagal ang pag-unlad kung mabagal ang expansion. “invest in a good system, it triples your expansion”
Sa pagpili ng tamang negosyo na para sa iyo, isipin mong mabuti kung saan ka pinaka nagi-enjoy. Dapat ikaw ay nagi-enjoy sa iyong negosyo. Ang mga kilala kong negosyante na malalaki na ngayon ay hindi lang nagsimula sa isang negosyo. Nagtayo na sila ng iba’t-ibang klaseng negosyo tapos ay pumili sila ng pinaka gusto nila sa lahat ng naitayo nila. Yung mga iba hindi nila masyadong gusto, maari nilang ibenta.
Ang isa pa sa pinakamagandang investment sa negosyo ay sa marketing. Huwag manghinayang maglabas ng pera sa mga ads sa TV, sa RADYO, at sa mga PRINT ADS. Napakalaking tulong ang magagawa nito upang mag-ingay ang mga negosyo mo. Kalimitan sa mga commercial, piso lamang lang ang bayad mo upang maabot ang isang tao. Halimbawa, nagbayad ka ng 3,000 pesossa isang newspaper na may sirkulasyon na 3,000 prints, ang maabot ng advertisement mo ay 3,000 tao. Nakatipid ka sa printing ng flyers, nakatipid ka pa sa taong uupahan mo upang magpakalat ng flyers. “invest in marketing, it’s always worth-it!”
(sa SULONG Newspaper, hindi dahil ako ay Business Section Editor, 26 centavos)
Kung ikaw ay pagod na pagod na sa iyong negosyo ngunit wala ka pang nakikitang mga improvements sa iyong negosyo, siguro panahon na upang magpalit ka ng negosyo. Maraming negosyante na ubod ang sipag ngunit hanggang ngayon ay hindi pa gaanong umuunlad. Ang sekreto sa negosyo ay kombinsyon ng iba’t ibang element: tamang diskarte, sipag, tamang pag-iisip, at syempre biyaya ng diyos. “sa iyong pag angat huwag mong ihahangad and pagbagsak ng iyong kapwa”. – Lino Habacon

SALUS POPULI


The Power of Local Taxation
(The Calamba Situation)



Katulad ng mga una kong artikulo dito sa Sulong kung saan tinalakay ko ang Police Power of the State, ang power of Taxation ay isa sa mga katutubong kapang-yarihan ng Estado na hindi mo makikita sa ating Konstitusyon. Kasabay isinisilang ng Gobyerno ng isang Bansa ang kapangyarihang ito. Sinasabing sa tatlong katutubong kapangyarihan pinaka mahalaga ang Power of Taxation sa kadahilanang dito nakasalalay ang ikabubuhay ng Bansa upang mai-pagpatuloy nito ang kanilang pananatili at pag bibigay serbisyo sa kanilang mga nasasakupan. Katulad din ng tatlong katutubong kapangyarihan ang Power of Taxation ay ipinatutupad at saklaw ng National Legislature (House of Representative and House of Senate). Ngunit maaari nitong i-authorize ang Presidente ng Bansa to impose tariff rates, import and export quotas, tonnage and wharfage dues and other tax duties. Maaari din ideligate ng Kongreso ang Power of Taxation sa mga LOCAL GOVERNMENT UNITS. Sa pamamagitan ng Republic Act 7160 (The Local Government Code of 1991), which was authored by the father of Local Government Senator Aquilino Pimintel na ideligate sa mga Local Government Unit ang Power of Taxation. Section 128 of the Same Code provides that; Scope- The provisions herein shall govern the exercise by provinces, cities, municipalities, and Barangays of their taxing and other revenue-raising powers.
Section 129 of the same code also provides that; The Power to Create Sources of Revenue- Each local government unit shall exercise its power to create its own sources of revenue and to levy taxes, fees, and charges subject to the provisions herein, consistent with the basic policy of local auto-nomy. Such taxes, fees, and charges shall accrue exclusively to the local government units.
Ngayon ay may problemang kinahaharap ang Pamahalaang Panlunsod Ng Calamba, kamakailan nag-harap ng protesta ang mga Resort Owners ng Calamba na nabigla sa laki ng babayaran nilang Business Tax, ayon sa isang may-ari ng isang Resort ay Last Year sila ay nagbayad lang ng Kulang-kulang Sampung Libong Piso (Php 10,000), ngayon sa Pagpapatupad ng bagong Revised Revenue Code ng Calamba City (2006) sila ay magbabayad ng mahigit sa Isang Daang Libong Piso (Php100,000 Plus), napakalaki ng discrepancy if we are to compare it last year. Ito ay sa kadahilanang lumaki ang fixed tax rate and Garbage collection na ipinataw sa kanila at ang mga Resort (Private and Public) na dati ay hindi kasama sa Local amusement Tax ngayon ay pinatawan ng 10% AmusementTax.
Ayon sa Bagong Imple-ment na Revised Revenue Code of Calamba City (Series of 2006); Section 2B.03- Graduated Taxes M. AMUSEMENT TAX- there is hereby imposed an amusement tax on proprietors, lessees or operators of theaters, cinemas, concert halls, circuses, boxing stadia, cockpits, resorts or swimming pools including private pools charging fees from the public, golf courses and other place of amusement at a rate of ten percent (10%) of the gross receipts from admission fees.
The same Revised Reve-nue Code also provide on its Definition of terms;
Section 2B.01 Definition of Terms, b. Amusements- is a pleasurable diversion and entertainment. It is synonymous to relaxation, avocation, pastime or fun.
C. Amusement Places- include theaters, cinemas, concert halls, circuses and other place of amusements where one seek admission to entertain oneself by seeing or viewing show or perfor-mance.
Masalimuot talaga ang naging problemang ito sa Siyudad ng Calamba. Di ko alam kung intentionally or accidentally na hindi sinama o naisama yung salitang resort or swimming pools including private pools sa definition of terms ng Amuse-ment place, para sana maiwasan ang confusion, sana naisama na ito.
Sa isang banda naman sa definition ng salitang Amusement sa definition of terms sa Revised Revenue Code ng Calamba at ng Local Government Code sinasabi dito na it is synonymous to relaxation, avocation or pastime, kung susundin natin ung definition ng amusement puwede din ma-kasama ang mga Ressort or swimming pools sa amusement places dahil pwede itong makapag relax at maging pastime.
What are the remedies :
1. Protest against the newly enacted tax ordinance within 30 days of enactment to the Secretary of Justice who shall render his Decision with in 60 days from the appeal.
Hindi na pwede ito dahil lampas na sa 30 days ang nakakalipas mula ng ma isa batas ang tax code ng Calamba.
Merong isang kaso kung saan ang Probinsya ng Bulacan ay nagpasa ng isang Tax Ordinance impo-sing a amusement tax on admission , among others, bath houses, steam and sauna baths, resorts, swimming pools, and skating rinks pursuant to Sec. 13 of P.D 231. Ang Department of Justice noong mga panahong iyon ay nagbigay ng opinion tungkol dito. Sinabi na kahit hindi nakasama sa definition ng amusement ang mga nabanggit hindi nangangahulugang hindi na puwede itong isama dahil pwede itong isama sa pamamagitan ng Blanket Clause "other place of amusements". (Appeal No. 7, s. 1974, Secretary of Justice).
Meron din naging opinion si Dating DILG Secreatry Jose Lina, tungkol din sa mga Resort and Hot Spring na maisama sa Local amusement Tax, sinabi niya na hindi ito puwedeng makasama dahil sa salitang "where one seek admission to entertain one self by seeing or viewing show or performance. Ngunit walang bisa ang opinion ng DILG Secretary dahil wala ito sa mga nabanggit na remedy ng Batas.
2. Pay Under Protest.
3. Certiorrari to RTC for Declatory Relief.
4. Yung sinasabing prohibition sa Amendment or Adjustment. Section 191. of R.A 7160 (Local Government Code) – Authority of Local Government Units to Adjust Rates of Tax Ordinances – Local Government units shall have the authority to adjust the tax rates as prescribed herein not oftener than once every five (5) years, but in no case shall such adjustment exceed ten percent (10%) of the rates fixed under this code. Para sa aking sariling inter-pretasyon ng pagbabawal na mag adjust sa tax rate sa loob ng limang taon (5) ay nangangahulugang na rate lang ang pinagbabawal, hindi nito pinagbabawal ang mag amend ng scope ng taxing power kagaya halim-bawa kung mapapatunayan na hindi naman pala sakop ng amusement ang mga resort at swimming pools, maari itong baguhin ng mga miyembro ng Sanggunian Panlunsod sa loob ng limang taon kung makikita na ito ay unjust, excessive, oppressive at hindi naman pala talaga kailangang makasama.
Sa katunayan sinasabi mismo sa Repealing Clause provision ng Revised Revenue Code ng Calamba (2006) na; kung mapapatunayan na alin mang probisyon o section sa Revised Revenue Code ito ay maaaring irepeal kung ito ay hindi angkop sa Konstitusyon, mga Regulasyon at sa Batas.
For my own humble and unsolicited opinion: Mas maganda na Amyendahan at palitan ang Section 2B.03 Amusement Tax. Para sa akin puwede naman isama ang mga Resort sa Amuse-ment Tax dahil sa Blanket Clause na "other place of amusement" dahil sa definition ng Amusement na "it is synonymous to relaxation, avocation or pastime", dahil pag pumasok ka sa mga resort it is considered a pastime and relaxation. Pero huwag na sa-nang isama ang mga Private pools, yung na lang mga Public resort kung saan may individual admission bago ka maka pasok na kailangan mo ng ticket o stub. Kalimitan kasi ng mga Public Resort sa Calamba, hindi lang mga swimming pools ang pinapasok, meron dyan may mga parks, Zoo, at mga Conference hall na Pwedeng mag palabas ng mga audio visual show or presentation where one can view and entertain. Madali din mag assest ng annual income ang City Treasury dahil may mga admission ticket at stub na pwedeng maging basihan ng admis-sion.
Mahirap kung isama pa ang mga private pools sa Amusement Tax, dahil hindi ka naman puwedeng mag-issue ng ticket o stub dahil hindi naman individual admission sa mga private pools. Per hour ang Rate sa mga private pools at kadalasan ang mga private pools sa kalamba ay mga Rest house ng mga mayayaman sa Calamba at mga taga ibang Lugar na kung hindi nila ito ginagamit kanila itong pinauupahan para pagkakitaan. Para sa aking puwede lang itong patawan ng Fixed Rate batay sa laki ng Land area ng mga Private Pools.
Maraming Salamat sa inyong patuloy na pagsu-baybay sa Column na ito at sa pagbabasa ng SULONG newspaper!

MABUHAY LAGUNA

INRI, katunog sa pangalan ng pinsan ko na si Henry. Una ko nakita ang markang ito ng isinali ako sa sinakulo. Isa akong sundalo na may dalang panghataw na kahoy at may nakakabit na abaka para talagang maigsing latigo na napapanuod sa pelikula ni Hesus. Binatilyo pa lang ako nuon, di ko pa alam ang ibig sabihin ng mga letrang iyon. Noong napunta ako sa Maynila sa pagsimula nag dekada nobenta, kasikatan ni Ernie Baron, ang tinatawag na the walking encyclopedia. Magaling ang pagkapaliwanag niya sa programa sa radio na pinamagatang knowledge power. Sa Q and A portion at balita sa television, pinaliwanag nito ang mga letrang I, N, R, at I, ang ibig sabihin ay Jesus Nazareth Rex Jews. Galing ito sa mga salitang Hebrew, Latin at Greek na ang ibig sabihin at si Hesus ng Nazareth, Hari ng mga Hudeo. Di daw gumagamit ang mga lingwahing ito nag letrang J kaya instead na J ay I ang ginamit. Isinulat ng apat na Gospel writer na sina Mateo, Marcus, Lukas at Juan ang apat na inskripsyong ito pero tinututulan pa ito ng mga Sanhedrin at mga High Priest. Pero sinabi ni Pilato “What I have written, I have written”Ano ang kahalagahan nito? Ayon sa Zondervan study Bible, ipinakita nito ang pagiging kasapi ni Hesus sa royalty at di lamang siya galing sa mga haring lipi ni David kundi dahil sa sinabi niya na “My kingdom is not of this world” Ibig sabihin Hari siya, mayron siyang position o titulo at monarkiyang pamahalaan, ang kahariang tatawagin nating Millennial reign. Future kingdom ang paghahari ni Hesus sa loob ng 1000 taon. Ayon kay Dr. Norman Holmes ng Zion Ministerial Institute, maghahari si Hesus sa buong mundo at Jerusalem ang sentro ng kaharian. Ang bawat bansa ay may kanya-kanyang pamunuan. Sino kaya ang maging hari dito sa araw na iyon?Maayos na pamunuan. Katulad ng sinabi ng US Christian artist na si Ron Kennoly: “Righteousness, peace and joy with the Holy ghost, that’s the kingdom of God.” Kabaligtaran lahat ito sa pamunuan dito sa Pilipinas. Tayo ay Filipinong kristiyano pero hindi sa lahat ng mga kristiyano naghahari si Hesus, kaya ito ang naranasan natin ngayon di lang ng mamamayang Filipino kundi ng buong bansang Pilipinas. Christ Rulership ay tumutukoy ng kanyang paghahari sa ating mga puso, sa ating mga buhay. Hanggang kailan natin hihintayin ang paghahari ni Kristo? Kailan mo siya paghahariin sa iyong buhay. Ang Hari ay di lamang ito posisyon at kapangyarihan. Ito ay titulo rin kaya noong ipinanganak si Hesus, isa sa mga binigay na regalo ng mga wisemen sa kanya ay ginto. Ang ginto ay pinakamataas na uri ng bakal. Ibig sabihin ito ay sumisimbolo ng royalty and highness. Hanggang sa mamatay siya ay nakakabit sa kanya ang pagiging hari subalit sa halip na putungan siya ng gintong korona ay tinik ang pinutong at binansagan siyang hari ng mga hudeo. Ang titulo ay nakakabit sa bawat pangalan ng tao, lalong-lalo na ang may mataas na position sa lipunan. Halimba na ang CEO, COO, EVP etc. pero anuman ang gagawin mo sa titulo, meron itong direktang ugnayan sa isang tao. Sabi nga Proverbs “A good name is rather to be chose than silver or gold.” Sabi ng kaibigan ko mayron lang akong kaisa-isang pangalan, dapat pag-ingatan ko ito. Sabi ng isang preacher, hindi mahalaga sa Dios kung ano ang ginawa mo para sa kanya, ang mahalaga ay kung ano ka ngayon sa harapan niya. Mahalaga ang dangal at katapatan. Nakakalungkot isipin sa ngayon, sa mga taong may mataas na position sa lipunan, Hindi nila iniingatan ang kanilang pangalan at naakusahan pa ng katiwalian resulta ito ng pagkasira ng pangalan. Tandaan na sa bawat pagkakamali na ating nagawa ay muli nating pinapako si Hesus. Wag sana natin abusuhin ang biyaya niya. Yan lang po!