KAYO AT ANG BAYAN PAGLILINGKURAN



FREE COUNTRY,
FREE EXPRESSION



If anyone here says he does not believe in the Bill Of Rights, or the Right to Public Opinion and the Right to Information may just leave this newspaper lying on the streets and let it go to waste.
Malimit pa din sa ngayon na pilit binubusalan o tinatakot ang mga media practitioners upang hindi maisiwalat ang katotohanan. Nakakalungkot isipin na may mga tao sa gubyerno at pati na rin sa pribado na gumagamit ng pera at ibang uri ng pananakot upang huwag lang mabunyag ang mga anumalya o kapalpakan.
At iilan din sa mga kabaro namin, lalo na dito sa Pinas na nagpapadala sa takot o suhol upang pagtakpan o ilihis ang mga katotohanang nagaganap sa ating lipunan. Nakakalungkot, tila pinapatay na ang demokrasya at ang tunay na kalayaan ng mamamayan.
Karapatan lang ng publiko na malaman ang mga nangyayari sa loob at labas ng mga tanggapan ng gubyerno, ang mga transaksyones na tila kadalasa’y hindi na din nalalaman ng taong-bayan. At kapag naman napalabas sa media, panay na ang tanggi, panay na ang busal, panay na din ang pananakot sa mga mediamen. Pati na din itong mga media practitioners, tuloy, natututong maging corrupt.
Ika nga ng isang malapit na kaibigan na halos tatay ko na din, ang isang pahayagan o kahit anong medium ay hindi dapat maging self serving, dapat ay may social responsibility din. In other words, oo nga at kailangan kumita ng isang medium ngunit hindi din dapat nawawala ang pagsiwalat nito ng katotohanan, no matter how painful such information is sa isang pinatutukuyan, dapat lang itong maipahayag at malaman ng taong-bayan.
This is a free country, at ang PRESS FREEDOM ay dapat iginagalang. ang RIGTH TO INFORMATION ay hindi dapat ipagkait at hindi din dapat mapanglinlang. Ngayon, kung ayaw naman ipatupad at igalang ang mga nasabing karapatan at kalayaan, mas mabuti pang maging isang komunistang bansa tayo.
Ang pamahalaan pati na din ang mga lokal, tila yata ito ang nais nila. Galit sila sa mga komunistang rebelde, ngunit hindi nila nalalaman na sila na din mismo ang umaaktong parang mga komunista. Nais nilang makontrol ang mga mamamahayag, mapatalima nila sa anong nais nila at kung ano ang nais lang nilang ipaalam sa taong-bayan.
Nakakalungkot, ngunit tama din naman ang sabi ng marami at malimit ito ang terminong gamit sa Estados Unidos... "YOU CAN’T FIGHT CITY HALL." ganun nga ba talaga? O may pag-asa pa ba ang PRESS FREEDOM sa ating sistema ng gubyenro ngayon?

ISYUNG SEKTORAL


IMPLEMENTASYON AT TUNGKULIN NG
KONSEHO NG MANGINGISDA

Ang konseho ng mangingisda ay ipinapatupad sa buong baybay dagat o baybay Lawa mula barangay, munisipalidad at panglalawigan. Ang barangay ay tinatawag na Barangay FARMC, municipal ay MFARMC at ang panglalawigan ay Integrated FARMC at ang panghuli ay Nationala FARMC.
Komposisyon ng BFARMC:
*Chairperson nag Sangguniang Barangay Agriculture / Fisheries Committee
*Kinatawan mula sa isang accredited na Non Government Organization
*Kinatawan mula sa pribadong sektor
*walong kinatawan na mga mangingisda kabilang ang mga
kinatawan ng kabataan at kababaihan.
Kapangyarihan at Tungkulin nag BFARMC:
*Magbuo at magsumite nag Brgy. Fisheries an Aquatic Resource Development Plan
(BFARD) sa Brgy. Development Councilat ipatupad ito. Subaybayan at
gumawa nag pagtatasa nag pagpapatupad nag BFARD.
*Magbuo at magsumite nag mga polisiya / patakaran at kaparaanan sa
pamamahala nag mga pangisdaan at yamang lawa sa Sangguniang Barangay
Komposisyon nag MFARMC:
Minicipal / city planning Dev’t. Officer
Tagapangulo nag komite nag pang agrikultura at pampangisdaan ng
Sangguniang Bayan/ Pan;lunsod
Kinatawan nag mga NGO na may akreditasyon
Kinatawan mula sa pribadong sector
Hindi bababa sa labing isang (11) kinatawan nag mga mangingisda kasama
ang mga chairman nag BFARMC nag bawat Barangay, kinatawan
ng kabataan at kababaihan
Kapangyarihan at tungkulin
Pag-isahin tungo sa Munisipal / City Fisheries & Aquatic Resources
Development Plan ( M / CFARDP) ang iiral na BFARDP at magsumite
ng mga plano sa M / CPDO.
Subaybayan ang implementasyon nag M/ FARDP .
Asistihan ang Law enforment agencies at suportahan ang BFARMC
Law enforment task force / committee sa pagpapatupad ng
batas at ordinansang pangpangisadaan at pangkalikasan
Asistihan at suportahan ang BFARMC sa paghain nag mga reklamo sa
munisipyo / korte sa mga lumabag sa batas pampangisdaan at kalikasan.
Magrekomenda at magsumite nag mga resolusyon sa Sangguniang Bayan /
Panlunsod na may kaugnayan sa tamang pamamahala , pangangasiwa na
siyang kukupkupin at ipatupad sa Munisipalidasd / Panlunsod na ordinansa.
Magsumite nag mga aplikasyon nag mga gamit pangingisda, permiso
sa pagpapalaisdaan / lisensiya na Hindi nagl;ilimita sa LLDA, BFAR para sa
kaukulang aksiyon.
Mamagitan sa Hindi pag-uunawa sa Barangay sa usaping karapatang
pampangisdaan.
Maglunsad nag income generating project bilang isa sa pinakamahalagang
bagay at asistihan ang BFARMC sa paghahanap ng pondo para sa mga
pangangailangan.
Pasiglahin at palakasin ang mga gawaing pang-ekonomiya / kabuhayan
ng mga mangingisda kasama ang pagbebenta nag produkto
(isda) at serbisyong pangkabuhayan.
Panatilihin at ingatan ang rehistro nag mga mangingisda at kanilang samahan.
Asistihan at suportahan ang BFARMC sa kanilang mga pag-aaral
at pananaliksik nag pamamahala at pangangasiwa sa pangisdaan sa
munisipalidad / lunsod.
Asistihan at suportahan ang BFARMC sa pagtutukoy nag mga lugar sa
malayang pangingisdqa at paglalagay nag mga palatandaang para sa
Navigational Lane.
Subaybayan at mangalap nag mga impormasyon sa mga maitatayong
pantalan na siyang maging batayan sa pagsasagawa nag mga
patakaran at planong pangpangasiwaan.
Asistihan at suportahan ang BFARMC sa pamamahala sa mga mangingisda
sa mga itinalagang malayang pangingisdaan ( fishing ground) na tinukoy
ng mga nagsagawa nag pag-aaral nag mga may malasakit na grupo at ahensiya.

PITAK PANG NAKATATANDA


LINGAP AT PAGMAMAHAL

Nuong tayo’y mga bata pa at lumalaki ay di natin masukat ang paglingap at pagmamahal ng ating mga magulang. Di nila gusto na tayo ay salat at labis na nangangailangan. Gusto nila maidulot sa atin ang lahat para sa ating kinabukasan. Ginawa nila ang gabi na parang araw sa paghahanap-buhay. Di nila alintana ang maidudulot nito sa kanilang kalusugan. Ganuon sila magmahal sa atin at ngayon sila’y matanda at mapuputi na ang buhok ay nakakalimutan na sila.
Kayo namang mga kabataan ay naging malakas, marunong at punong-puno ng pangarap para sa inyong bukas, ang pag-asa ng bayan. Naimpluwensiyahan kayo ng makabagong kabihisnan hanggang kayo’y makalimot sa lingap at pagmamahal ng inyong mga magulang . Isa sa sampung utos ng Diyos ay “Igalang mo ang iyong ama at iyong ina upang ang iyong mga araw ay tumagal sa ibabaw ng lupa na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Diyos.(Exodo 20:l2) Ito ang utos ng Diyos na may pangako.
Sa panahon ng tagumpay nalimutan ninyo ang inyong mga magulang. Kaya isang paalaala sa lahat na ibalik ninyo ang lingap at pagmamahal sa inyong mga ama at ina na nabibilang sa antas na kung tawagin ay “Senior o Seasoned Citizens” sa ating bayan or siyudad.
Mahalin at lingapin ninyo sila para makita ninyo na sila ay maligaya sa mga huling sandali ng kanilang buhay. Maging bahagi kayo sa kanilang pagkakaisa, sa kanilang mga sariling panukala at mga adyenda. Agapayan natin sila at tulungan para sila masiyahan sa paglingap at pagmamahal na dulot ninyo. Bakit po ang ilang bayan or siyudad meron nakalaan na maliit na halaga sa mga senior citizens, at ibinigigay ito buwan-buwan bilang gantimpala para sa kanilang nagugol na panahon sa ating pamayanan. Isang hamon sa lahat ang aking iniiwan lalo na sa may kapangyariahn-ang lingapin at mahalin sila. Mahirap po ba ito? Iintayin namin ang inyong tugon.